top of page

News Feature: Palawan Star Online

Updated: Jun 23, 2021

Puerto Princesa City - Kinilala ng USAID ang grupong "Eco-Kolek" sa Lungsod ng Puerto Princesa bilang isa sa mga community base impact leaders sa Bansa na maaring manguna at makatulong sa pagsugpo ng plastic pollution sa kapaligiran.




Sa ilalim ng programang Clean Cities, Blue Ocean (CCBO) ng USAID ay nagkaloob ito ng aabot sa P42M na pondo para sa limang Social Enterprise Group sa Bansa na may natatanging konsepto sa pagsugpo ng plastic pollution at isa ang "Eco-Kolek" sa mapalad na napili sa nasabing programa.


Ayon kay John Vincent Gastanes - Founder ng Project Zacchaeus at Eco Kolek, hindi umano nito inaasahan na mapipili ang isinumite nitong konsepto sa programa ng USAID sa dahilang bukod sa madami ang sumali ay marami ding kilalang personalidad ang lumahok sa nasabing programa.


Kaya naman laking pasasalamat ni Gastanes sa pagkilalang iginawad ng USAID sa kaniyang proyekto na aniya'y malaking maitutulong sa komunidad ng lungsod ng Puerto Princesa.


"Actually yun talaga yung focus nun sir, kaya ganyan kalaki yung pondo kc will focus on the mingles sa Health and Sanitation, improvement ng mga garbage collectors yung mga trainings nila in terms of leadership nila... at talagang awareness sir pagdating sa paghihiwalay ng mga basura, kasi maisahre ko lsng yung experience namin marami na po kaming impormal speakers na namatay na sa iba't-ibang sakit kasi imagine walang sistema yung pag-sesegrate nila ng basura tapos yung iba matatanda na" -Ayon kay Gastanes

Ang Brgy. Bancao Bancao sa lungsod ng Puerto Pricesa kung saan unang sinimulan ang programang Eco-Kolek nitong nakalipas na taon na kung saan ay aabot sa 3,000 na mga plastic bottles araw-araw ang kayang kolektahin ng grupo.


Target din ng Eco Kolek na bukod sa paglilinis ng kapaligiran ay matulungang maiangat ang antas ng sistema ng pagkokolekta ng mga basura gaya ng segragations, facilities, health and sanitation hanggang sa mga trainings ng mga miyembro nito.


"Nakita ko kasi in the past 7yrs na kasama ko yung community napansin ko na yung livelihood na dapat mong ibagay sa community ay yung gusto nila... kasi marami na kami na subukan na hindi nagwork pero dahil dun sa community na yun maraming scavengers o yung nangongolekta ng basura so' yun yung inadopt ko at inumpisahan yung yung isinubmit ko sa USAID na may ganito na baka pwede ninyong pondohan " - Ayon kay Gastanes

Inaasahan namang sa susunod na dalawang taon ay maisasagawa ang programang Eco-Kolek sa iba't - ibang parte ng Munisipyo sa lalawigan ng Palawan.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Bình luận

Đã xếp hạng 0/5 sao.
Chưa có xếp hạng

Thêm điểm xếp hạng
bottom of page